top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

4 timbog sa sugal, shabu at baril

Maeng Santos
Mar 18, 2019
1 min read

APAT na hinihinalang sangkot sa iligal na droga kabilang ang isang housewife ang arestado sa anti-illegal gambling operation ng mga pulis sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Caloocan Police Chief Sr. Supt. Restituto Arcangel ang mga suspek na sina Paul Justine Mangalindan, 18; Alex Alvarez, 49; Arnel Almine, 42, at Marlene Camomot, 35.

Ayon kay Caloocan Police Community Precinct (PCP) 2 Commander PCI Merben Bryan Lago, alas-12:10 ng hatinggabi nang respondehan ng PCP-2 ang tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa grupo na naglalaro ng sugal na cara y cruz sa kahabaan ng Sawata Area 1, Fishpond, Bgy. 35.

Nang mapansin ng mga nagsusugal ang presensiya ng mga pulis, mabilis na nagpulasan ang mga ito subalit, naaresto ang mga suspek.

Nakumpiska ng pulisya ang P180 bill at tatlong peso coins na gamit bilang gambling paraphernalias at nang kapkapan, narekober sa mga suspek ang apat na sachets ng hinihinalang shabu habang isang homemade cal. .38 pistol na may tatlong bala ang nakuha kay Alvarez.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page