1,800 pamilya apektado sa 3 bakbakan sa Maguindanao

INILIKAS ang nasa 1,800 pamilya mula sa tatlong bayan sa Maguindanao dahil sa nagpapatuloy na operasyon ng tropa ng pamahalaan laban sa mga rebeldeng grupo.
Sa panayam, sinabi ni Maj. Arvin Encinas, tagapagsalita ng Philippine Army 6th Infantry Division, patuloy pa rin ang isinasagawang clearing operations laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Gayunman, apektado ng operasyon ang mga residente sa Shariff Aguak, Datu Salibo at Salibu-Pagatin-Mamasapano. Dahil dito, pansamantalang naninirahan ang mga residente sa evacuation center.
Samantala, nagpadala na ng mga relief good para sa mga apektadong residente.





Comments