‘Pinas, kalas na sa ICC

OPISYAL na ang pagkalas ng Pilipinas bilang miyembro ng International Criminal Court (ICC).
Sa ulat ng Agence France Presse, sinabi ni United Nations Spokesperson Eri Kaneko na ipinaalam na ng secretary-general na simula kahapon, epektibo na ang pagkalas ng Pilipinas.
Sa kabila nito, itutuloy pa rin ng ICC ang imbestigasyon kaugnay sa war on drugs sa bansa na siyang naging dahilan kung bakit nagdesisyon ang gobyerno na pagkalas sa ICC noong isang taon.
Ayon naman sa Commission on Human Rights (CHR), talo ang mga Pilipino sa pagkalas ng bansa sa ICC.
Ito ay dahil wala na silang matatakbuhan sa mga pagkakataon na hirap silang makakuha ng hustisya sa bansa.





Comments