'Water crisis', inimbento lang daw, mga ralista bakit walang paramdam?

NAG-IIMBAK na ng tubig ang mga taga-Metro Manila.
Dengue pa more!
◘◘◘
FULL-CAPACITY daw ang tubig na nagmumula sa Angat Dam patungo sa La Mesa dam.
Meaning, imbento lang ang water crisis!
◘◘◘
IMBES na sa water expert kumonsulta si P-Digong, sa mga abogadong pulpol siya humingi ng payo.
‘Yun dispalinghado ang executive order!
◘◘◘
NASAAN ang mga ralista, bakit ayaw nilang iprotesta ang inimbentong water crisis?
Puro “human rights” lang ang alam nilang isyu.
Peke ang mga demonstrador sa kalye.
He-he-he!
◘◘◘
MAY jihad sa Europe.
Nanangkupooo!
◘◘◘
IPINABIBISTO na rin ang mga taga-showbiz na tulak at adik sa droga.
‘Yan ang pinakamalaking tama!
◘◘◘
MAY kulay-politika ang paglalabas ng listahan ng narco-politicians.
Kasi ang listahan ng narco-celebrity ay hindi inilalabas.
Ano ang pagkakaiba ng narco-politicians sa narco-celebrity?
◘◘◘
MARAMING celebrity ang nanghihiram ng lakas ng loob, enerhiya at imahinasyon mula sa droga.
Isang phenomenon ito na walang nagbubunyag!
◘◘◘
MARAMING taga-showbiz ang biglang namamatay dahil nanghihiram lang sila ng pekeng enerhiya mula sa droga upang makapagpuyat at malampasan ang sobrang pagod.
‘Painkiller’ ang droga sa utak, pero puso ang napupuwersa kaya biglang binabawian ng buhay!
◘◘◘
KAAWA-AWA ang mga paslit na nakapasok sa showbiz, kokopyahin nila ang “kultura ng droga” sa entertainment industry.
Walang nangangahas na sagipin ang mga taga-showbiz mula sa pangil ng illegal drugs!
◘◘◘
NAGPAPALIT-PALIT ng tao sa Malacañang, pero hindi ibinubunyag ang mga taga-showbiz na nakasandal sa paggamit ng iligal na droga.
Maraming artista ang nalulong at nasira ang kukote sa droga!
◘◘◘
KUNG seryoso si P-Digong, siya mismo ang mag-utos na ibunyag sa publiko ang pangalan ng mga celebrity na paulit-ulit na nasa intel report.
Maaaring may “tara” ang mga celebrity sa intel officers!
◘◘◘
PARA hindi mapagdudahan ang ‘war on drugs’, dapat ibunyag ang mga intel report.
‘Yan ang simpleng taktika na magbubunsod upang tumigil na ang mga adik na celebrities sa paggamit ng iligal na droga.
Pabor ito sa kanilang “sarili” at showbiz industry!





Comments