Wanted na kawatan nasakote
- Pabs Hernandez III
- Mar 17, 2019
- 1 min read
ZAMBALES—Isang wanted na magnanakaw ang naaresto ng pulisya, kamakalawa sa Olongapo City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Ryan Navarro, nakatira sa naturang lungsod.
Nabatid na inaresto ng mga awtoridad si Navarro sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong 9-count ng qualified theft.
Hindi naman nanlaban si Navarro nang dakpin siya ng pulisya sa nasabing lugar.





Comments