top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Wala pang sapat na ebidensiya — PNP | MGA NASA NARCO-LIST, ‘DI PUWEDENG TULUYAN

Jeff Tumbado
Mar 17, 2019
1 min read

WALA pang sapat at matibay na basehan o ebidensiya ang gobyerno upang sampahan ng kasong kriminal ang mga pulitikong isinasangkot na pinangalanan sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang pag-amin ni Philippine National Police Spokesperson Senior Supt. Bernard Banac kasunod ng paghahain ng reklamong administratibo ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa 46 na mga pulitikong isinasangkot sa iligal na droga bago pa man pangalanan ng pangulo.

Salungat naman ang naging pahayag ng PDEA sa PNP na umano’y tumagal ng 14 na buwan sa pagsasailalim sa ‘revalidation’ at verification process sa mga pulitiko kaya naman may ebidensiya silang sangkot ang mga ito sa iligal na droga.

“The narcolist undergone revalidation and verification process through monthly workshops conducted by PNP, AFP, PDEA, National Intelligence Coordinating Agency (NICA) and DILG,” pahayag ni Derrick Carreon, hepe ng Public Information Office ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Gayunman, ayon kay Banac, kasalukuyan pa silang nangangalap ng matitibay na ebidensiya para direktang madiin sa pagkakadawit ang mga tinaguriang narco-politician para sa kasong kriminal.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page