Tulad ng tao dapat dehins din daw sila masyadong nae-exposed sa init… TIPS PARA MAPANATILING HEALTHY
- Donna Thea Topacio
- Mar 17, 2019
- 2 min read

KUNG pet lover ka, besh, naku, make sure na hindi lang kayo ang maghahanda ngayong summer dahil knows ba ninyo na maging ang mga alaga nating hayop ay kailangang ding mag-ingat dahil sa mainit na panahon. Kaya para mapanatiling healthy sina bantay, kuting, brownie at ming-ming, narito ang ilang tips para hindi sila magkasakit:
1. KEEP YOUR HOUSE COOL. Kung ang inyong mga alagang hayop ay madalas na nasa bahay, make sure na hindi siya maiinitan. Kung may aircon kayo, eh, mas better, pero kung wala naman buksan na lamang ang bintana at itutok sa kanila ang electric fan. Gets mo?
2. WATCH WHEN YOU EXERCISE. Kung noon, eh, madalas kayong mag-jogging ng alaga ninyong aso, ngayong tag-init dapat ninyo itong limitahan. Bukod kasi sa maaari silang ma-dehydrate, eh, baka hindi nila kayanin ang temperatura. Palagi ninyong tatandaan na iba sila sa atin, okay?
3. CHECK THE PAVEMENT. Kung mainit ang kalsada, huwag na nating pilitin pang lumabas kasama ang ating mga alagang hayop, lalo na at nakapaa lang sila habang tayo ay nakasapato o nakatsinelas, napaka-unfair ‘yun para sa kanila. Copy?
4. OFFER PLENTY OF WATER AND SHADE. Tulad ng tao, kinakailangan din ng mga hayop na uminom ng maraming tubig ngayong tag-init dahil may posibilidad na ma-dehydrate din sila. Make sure din na palagi silang nasa lilim nang sa gayun ay maprotektahan ang kanilang balat.
5. DON’T LEAVE YOUR PETS UNATTENDED. Kung mag-a-outing kayo at iiwanan ninyo sa bahay ang inyong mga alagang hayop dapat ay maghanap kayo ng taong pagbibilinan ninyo. Oo, totoo naman na minsan sila ang ginagawa nating taga-bantay ng bahay, pero dapat ay mapapakain at mapapainom din sila sa tamang oras.
Oh, ayan, ngayong alam na natin kung paano maiiwasan na mapahamak ang pinakamamahal nating mga alaga, make sure na susundin ninyo ang tips na ito.
Have a happy vacation, mga ka-BULGAR!
Copy?





Comments