Pochero, juice, softdrinks at biskwit | 34 HAYSKUL NALASON SA RETREAT


TINATAYANG nasa 34 na Grade 10 students ng Egaña National High School sa Egaña, Sibalom, Antique ang nabiktima ng food poisoning.
Ito ay kasunod ng isinagawang recollection sa St. Peter’s Seminary sa nasabing lugar.
Sa isang panayam kay S/Insp. Rex Faren, nakaramdam ng pagsakit ng tiyan, pagkahilo at pagsusuka ang mga estudyante na nasa edad 16 hanggang 17.
Isinailalim na sa laboratory test ang mga pagkain na inihanda sa recollection na kinabibilangan ng pochero, juice, softdrinks at biskwit.
Agad namang dinala sa Ramon Maza Sr. Memorial District Hospital (RMSDH) ang mga biktima para sa karampatang lunas. (BRT)





Comments