top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

ORCULLO, NAKABUWELO SA DUWELO KONTRA BIADO

Eddie M. Paez, Jr
Mar 17, 2019
1 min read

SUMIBAD si Dennis “Robocop” Orcullo sa isang 26-13 na kalamangan sa unang parte ng duwelo niya kontra kay Carlo “The Black Tiger” Biado sa palaruan ng Hustler sa Quezon City.

Dikdikan ang arangkada ng dalawa kung saan napako pa sa isang 8 - 8 standoff ang dalawang Pinoy na kilala sa buong mundo bilang malupit na manunumbok. Kapwa naging world champion ang dalawa.

Si Orcullo ay puma­ngalawa sa AZBilliards 2018 Moneyboard habang si Bia­do ay nasa pangatlong pu­westo sa World Pool Billiards Association (WPA) Rankings. Si Biado rin ang pumangalawa sa nakaraang World 9-Ball Championships sa Qatar.

Pero nakakuha ng buwe­lo si Orcullo kaya nakasibad ito sa komportableng benta­he na 26 - 13 sa paligsahang nagtataya ng halagang $40,000 sa magwawagi (bok­ya sa talunan) at nagsisilbi ring magandang paghahanda ng dalawa sa 2019 World 10-Ball Championships na gaganapin sa US.

Samantala, sa kasaluku­yang AZBilliards Money­board list, nakapasok sa top 10 sina Francisco “Django” Bustamante ($17,700) at si Orcullo ($ 16,650).

Naka­sam­pa sa panglimang bay­tang ang alamat mula sa Tarlac na si 55-taong gulang Bustamante sa tulong na rin ng koronang nakuha nito sa Derby City Classic (DCC) One Pocket, ang pagiging segunda sa DCC Master of the Table at pagtersera sa Texas 10-Ball Classic kama­kailan.

Sa kabilang dako, si Orcullo, pambato ng Bislig, ay nasa di-kalayuan sa pag-upo nito sa pampitong po­sis­yon. Umangkla si Orcullo sa dalawang podium finishes sa DCC events.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page