top of page
Pokwang.jpg

Ex-mayor timbog sa drug raid

Jeff Tumbado
Mar 17, 2019
1 min read

TIKLO sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad ang dating alkalde ng Midsalip, Zamboanga del Sur kaugnay sa kinasasangkutang iligal na kalakalan ng droga sa Oroquieta, gabi ng Biyernes.

Kinilala ang suspek na si Liwaya Angcap, anak ng isa sa pinangalanan sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Napag-alaman kay Misamis Occidental Provincial Director Senior Supt. Danildo Tumanda, armado ng search warrant nang salakayin ng mga tauhan ng Oroquieta Police Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency Region 10 ang bahay ni Angkap.

Itinuturing din na pampito sa provincial target ng PNP at PDEA si Angkap.

Nakuha ng mga awtoridad mula sa bahay ni Angkap ang iba’t ibang uri ng armas at ang nasa limampung gramo ng shabu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page