Babala sa madalas sumasakit ang batok!
- BULGAR

- Mar 17, 2019
- 2 min read
Dear Doc. Shane,
Ako ay 38 years old at mahigit 10 taon na ako sa aking trabaho bilang administrative assistant sa retail company. Ilang araw ko nang nararamdaman ang pananakit ng aking batok. Hindi ko alam kung ito ay dahil sa sobrang pagod o maling posisyon sa paghiga. High blood ako, pero controlled naman ito dahil may maintenance naman ako. Puwede bang maging dahilan ng pagsakit ng batok ang high blood pressure? — Miranda
Sagot
Maraming tao ang nakararanas ng pananakit ng batok at leeg. Sa maraming pagkakataon dahil ito sa hindi tamang postura o sobrang paggamit ng mga kalamnan sa leeg. Kung minsan, ang pananakit ng batok ay dahil sa pinsala na dala ng aksidente at laro.
Madalas ay hindi naman ito lubhang seryoso at nawawala rin sa loob ng ilang araw. Sa ilang kaso, ang pananakit ng batok ay sintomas ng seryosong karamdaman. Kapag ang pananakit ng batok ay hindi nawawala sa loob nang mahigit isang linggo, malalang pananakit o may kasamang iba pang sintomas, kailangan agad magpatingin sa doktor.
Narito ang ilan sa mga dahilan ng pananakit ng batok:
Tensiyon sa kalamnan ng leeg
Atake sa puso
Meningitis
Sakit sa batok
Kinakailangan nang magpa-check-up kung nakararanas ang mga sumusunod:
Matinding pananakit ng batok o leeg
May nakakapang bukol sa leeg
Mataas na lagnat na higit sa isang linggo
Masakit ang ulo
Namamaga ang kulani
Pagsusuka
Nahihirapan sa paglunok ng pagkain o tubig
Nahihirapan sa paghinga
Nanghihina
Namamanhid
Pananakit ng batok na umaabot sa mga kamay at paa
Hindi maikilos ang mga kamay o paa
Hindi maigalaw ang baba papuntang dibdib
Hindi makaihi o makadumi
Kung naaksidente o nahulog sa mataas na lugar at sumasakit ang leeg, makabubuti kung pumunta agad sa doktor para agad itong malunasan.




Comments