Babala ng mga eksperto... PAGIGING OVERWEIGHT, MAY MASAMANG EPEKTO SA MEMORY AT MOOD!


ALAM na ng karamihan na ang pagkakaroon ng high-fat at high-sugar diet ay maaaring magresulta sa pagiging overweight. Pero, sa kabila ng kaalamang ito, ayon sa mga eksperto, maraming indibidwal ang hindi aware sa iba pang epekto ng nasabing uri ng diet. Mga besh, knows ba ninyo na bukod sa pagiging overweight ay naaapektuhan din nito ang ating memorya at mood? Weh, ‘di nga?
Ayon sa mga eksperto, para sa karamihan, ang pagiging overweight ay nakasentro sa hirap ng paghahanap ng isusuot na damit, gayundin ang confidence kung saan ang mga ito ay nakaaapekto sa buong katawan ng indibidwal.
Ang tsansa sa pagkakaroon ng stroke, heart attack at diabetes ay tumataas umano depende sa timbang, ngunit, hindi ito nangangahulugang ang mga payat na indibidwal ay walang tsansa na magkaroon ng mga nabanggit na kondisyon.
Base sa pag-aaral na nai-published sa Circulation at The Lancet, ang pagiging malusog ay hindi nangangahulugang mayroong magandang pangangatawan ang indibidwal. Gayunman, kung ang indibidwal umano ay payat at walang healthy diet, gayundin na hindi nag-eehersisyo, posible pa rin umanong ma-developed ang mga sakit na diabetes, cancer at heart attack.
Samantala, ayon sa pag-aaral mula sa American Academy of Neurology, ang high fat and sugar diet ay maaari umanong magresulta ng problema sa memorya at mababang concentration.
Sa eksperimento na isinagawa sa University of Oxford na nai-published sa The American Journal of Clinical Nutrition, napag-alaman na ang limang araw na pagkakaroon ng high-fat diet ay nakapagpapahina ng memorya, gayundin na nakapagti-trigger ito ng mood swings.
Ang resultang ito ay sinuportahan ng isa pang pag-aaral mula sa Macquarie University sa Sydney kung saan ang mga kalahok ay pinakain ng high-fat at high-sugar breakfast sa loob ng apat na araw. Lumabas ang parehong resulta na may kaugnayan sa cognitive problems, partikular sa mga kalahok na overweight o obese.
Gayunman, ayon sa isa pang pag-aaral na nai-published sa Psychological Science, ang regular na pagkonsumo ng chips o fizzy drinks ay may parehong epekto sa indibidwal kung saan ang fat at sugar ang nagiging sanhi ng pagtaas ng sugar level na nakaaapekto sa glucose metabolism at insulin production.
Naku, mga besh! Ngayong alam n'yo nang hindi lang timbang ang apektado ng labis na pagkonsumo ng matataba at matatamis na pagkain, make sure na magiging mas disiplinado kayo sa pagkain, ha?
Have a good health, lodi! Copy?





Comments