Ayaw na raw abusuhin ang katawan… BOOBAY, TAKOT MATULAD KAY CHOKOLEIT, NAMIMILI NA NG WORK
- BULGAR

- Mar 17, 2019
- 1 min read

NAGPAPASALAMAT ang comedian/TV host na si Boobay na naagapan agad at naitakbo siya sa ospital nang siya ay magkasakit noon at inatake. Nasobrahan siya ng pagod at puyat dahil sa workload na hindi na kinaya ng kanyang katawan.
Tanggap siya nang tanggap noon ng mga raket na TV guestings, out of town shows at kung anu-ano pang pagkakakitaan. Pinagkaitan niya ng tulog at pahinga ang kanyang sarili.
Napabayaan niya ang kanyang sariling kalusugan, hanggang sa kinalabit na nga siya ni Lord at bumigay ang kanyang katawan.
Masuwerte pa rin si Boobay na may mga taong tumulong at nagmalasakit sa kanya noong siya ay magkasakit nang malubha.
Unang-una na rito ang BFF niyang si Marian Rivera na sumagot sa kanyang hospital bills. Marami ring kaibigan na nagpaabot ng kanilang concern kay Boobay.
At sa panibagong buhay (second life) ni Boobay ay nagawa na niyang piliin ang kanyang prayoridad. Hindi na siya tulad nang dati na tanggap nang tanggap ng trabaho. Binibigyan na niya ng importansiya ang kanyang kalusugan.
Okey na sa kanya ang regular show niya with Tekla, ang The Boobay and Tekla Show (TBATS) at paminsan-minsang TV guestings.
Sa nangyari sa comedian na si Chokoleit, nakita ni Boobay ang kasasapitan ng mga artistang nagpapaalipin sa trabaho, kaya maingat na maingat na siya ngayon.





Comments