Van vs. truck, 2 patay

DALAWA ang patay habang dalawa ang kritikal nang salpukin ng trak ang sinasakyang van ng mga biktima habang bumabagtas sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Bgy. Lalaan 1 Silang, Cavite.
Kinilala ang mga nasawi na sina Rolando Cepeda, 57, at Krizzele Pantaleon, 20, habang hindi pa nakakausap ang dalawa pang sakay ng van na sina Rison Lloren, 19, at alyas Jane.
Hawak naman ng pulisya ang suspek na si Daniel Benitez, 52, residente ng Cavite.
Alas-4:10 ng madaling-araw nang maganap ang insidente. Sakay ang mga biktima ng van (TGZ 999) na minamaneho ni Cepeda at bumabagtas sa nasabing lugar.
Nagmaniobra umano ito dahil magpapagasolina sana subalit, bigla itong nag-alangan kaya bumalik sa kanyang lane.
Gayunman, hindi nito napansin ang paparating na delivery truck kaya nasalpok ang sasakyan ng mga biktima.
Halos tumaob ang sasakyan ng mga biktima na ikinaipit ng mga sakay nito.





Comments