top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sintomas ng pagkakaroon ng sakit sa bato

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 16, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Maalat magtimpla ng pagkain ang asawa ko dahil para sa kanya, ito ay tama lamang daw, pero kapag kami na ang kumain ng niluto niya, ito ay maalat. May ilang artikulo akong nabasa na isa sa mga sanhi ng pagkakaroon ng sakit sa bato ay ang madalas na pagkain ng maaalat. Paano malalaman kung may sakit sa bato ang tao at ano ang mga sintomas? — Edgar

Sagot

Walang pinipiling kasarian at edad ang pagkakaroon ng sakit sa bato kaya hindi dapat isinasawalambahala ang karamdamang ito.

Anu-ano ang mga kundisyon na nakapipinsala sa ating bato?

  • Diabetes — dahil sa sobrang asukal sa dugo, nahihirapan ang bato na salain ito

  • Hypertension — dahil sa pagkasira ng mga daluyan ng dugo sa katawan kasama ang ugat sa bato

  • Sakit sa puso

  • Pag-inom ng mga gamot para sa kirot o non-steroidal anti-inflammatory drugs (NSAID)

  • Herbal medications

  • Paninigarilyo

  • Pagbigat ng timbang

  • Pagkakaroon ng kamag-anak na may sakit sa bato

  • Pagkakaroon ng mga bato na maaaring bumara sa daluyan ng ihi

  • Pamamaga ng ugat sa bato na maaaring nakuha sa impeksiyon sa lalamunan o balat

  • Pagkakaroon ng impeksiyon o pamamaga ng daluyan ng ihi at pagdami ng mga organismo o mikrobyo sa bato at pantog

Narito ang ilan sa mga sintomas ng pagkakaroon ng sakit sa bato:

  • Pagmamanas ng mga paa, mukha o buong katawan

  • Mabulang ihi na kulay tsaa

  • Pag-ihi ng madalas na hindi bababa sa tatlong beses sa gabi

  • Pagkawala ng ihi

  • Hirap sa paghinga

  • Pagsakit ng tiyan

  • Walang ganang kumain

  • Pagkahilo at pagsusuka

  • Hirap sa pagtulog

  • Pangangati ng buong katawan

Paano maiiwasan ang sakit sa bato?

  • Panatilihing normal ang asukal sa dugo (fasting blood sugar < 140 mg/dL)

  • Panatilihing mababa ang blood pressure (BP < 140/90 mmHg)

  • Ugaliing uminom ng maraming tubig (2-3 litro) kada araw

  • Kumain ng wasto at masusustansiyang pagkain

  • Umiwas sa maaalat na pagkain tulad ng mga sawsawan na patis at toyo

  • Iwasan ang labis na pag-inom ng alak

  • Iwasan o tigilan ang paninigarilyo

  • Ugaliing magkaroon ng regular na ehersisyo

  • Huwag basta uminom ng gamot o herbal medicine na hindi ipinapayo ng doktor

  • Ugaliing magkaroon ng regular na pagbisita sa doktor

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page