Pamangkin ginapang din | ANAK INABUSO NG TATAY
- Maeng Santos
- Mar 16, 2019
- 1 min read

KALABOSO ang 42-anyos na pedicab driver matapos hipuan ang dalagitang anak maging ang 13-anyos na pamangkin nito habang natutulog sa Valenzuela City.
Kinilala ang suspek na si Conrado Maglente, Jr. na nahaharap sa dalawang kaso ng acts of lasciviousness sa ilalim ng R.A. 7610 o Child Abuse at paglabag sa R.A 9262 o Violence Against Women and their Children Act.
Sa ulat na tinanggap ni Valenzuela Police Chief Senior Supt. David Nicolas Poklay, magkatabing natutulog ang 13-anyos na biktimang itinago sa pangalang Gina at ang 15-anyos na pinsan nitong si alyas Katya, anak ng suspek, nang tumabi sa kanila ang lalaki.
Naramdaman na lamang ni ‘Gina’ na gumagapang na ang kamay ng tiyuhin sa kanyang dibdib hanggang sa himasin pati na ang bahagi ng kanyang puwitan kaya gumalaw ito upang umiwas.
Matapos nito, nagsumbong si ‘Gina’ sa tiyahin na asawa ng suspek kaya sinita ng ginang ang mister subalit, sa halip na magpaliwanag, kumuha ng gunting ang lalaki at pinagtangkaang papatayin ang asawa habang nilalait-lait ang pamilya ng babae.
Umamin din si ‘Katya’ na siya ay hinipuan din sa dibdib ng kanyang ama noong Nobyembre 21 ng nakaraang taon kaya ipinasya na ng mag-ina na humingi ng tulong sa Bignay Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.




Comments