Narco-politicians, pinangalanan na ni Manong Digong!


BUKING!
UMARIBA na ang listahan ng mga “narco-politician” na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Huwebes ng gabi.
Sa nasabing listahan, mahigit 40 ang diumano’y narco-politicians o mga pulitikong sabit sa illegal drug trading sa bansa.
Tulad nang nasabi ng Palasyo, nais ng pangulo na tukuyin ang mga pulitikong sangkot sa iligal na droga para masabihan o bigyan ng impormasyon ang mga botante hinggil sa tunay na katauhan ng mga nais mamuno sa gobyerno.
Pero, ‘yun na nga tulad ng ating inaasahan, nagsipag-alma ang mga pulitikong tinukoy ng pangulo, kani-kanyang depensa at pagpapaliwanag sa media ang ginagawa ng mga ito. Kesehodang ‘politically motivated’ daw ang pagpapalabas ng listahan, lalo pa at ginawa raw ito bago ang eleksiyon.
Depensa naman ng Palasyo, verified ang kanilang listahan, pinag-aralan umano ito nang mabuti at sinasabing backed by documents daw ang mga akusasyon.
Kung tutuusin, may punto ang Malacañang na ipalabas ang listahan ng mga sinasabing sabit sa droga bilang babala sa mga botante na maging mas mapanuri at matalino sa kanilang mga iboboto ngayong 2019 Midterm Elections.
Para naman sa mga kumokontra, kailan ninyo gustong ilabas ang listahan, sa panahon na naihalal na ang mga ito? Sa totoo lang, mahihirapan ang mga kumokontra kay P-Digong, panigurado, makabanat lang kay P-Digong, okay lang sa kanila kung paminsan-minsan ay mapaboran ang mga pulitikong nali-link nga sa iligal na droga.





Comments