top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Narco-list inilabas | P-DUTERTE, PUWEDENG MA-IMPEACH

Jeff Tumbado
Mar 16, 2019
1 min read

NILABAG umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang due process at ang karapatan na maituring na inosente ang mga pulitikong pinangalanan nitong sangkot umano sa illegal drug trade o ang narco-list.

Dahil dito, binigyang-diin ni Akbayan Rep. Tom Villarin na maaaring ma-impeach si Pangulong Duterte dahil sa mapangahas nitong pagbubunyag ng nilalaman ng narco-list.

“As president of the Republic, Duterte’s powers are not absolute nor can he justify putting the state in order by infringing on an individual’s right to due process and presumption of innocence,” diin ni Villarin.

“This could constitute an impeachable offense for culpable violation of the Constitution,” dagdag pa ng kongresista.

Bagama’t, hindi aniya maituturing na “absolute” ang karapatan sa privacy, dapat ay kinasuhan na lamang ang 46 indibidwal sa halip na isapubliko pa ito.

Nagmimistula na aniya ngayon na “trial-by-publicity” ang nangyari sa mga opisyal na inihanay sa listahan sa harap ng papalapit na eleksiyon sa Mayo 13.

Naniniwala naman si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na may matatawag na due process na pagdaraanan ang mga kongresistang sabit sa narco-list.

Binanggit pa ni Arroyo na may karapatan ang mambabatas na nadadawit sa listahan na humiling sa Kamara na magpatawag ng mga pagdinig ang kapulungan tungkol sa isyu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page