Minero dedo sa gas poisoning
- Jeff Tumbado
- Mar 16, 2019
- 1 min read

PATAY ang 55-anyos na minero makaraang malason sa singaw ng kemikal na nasa loob ng maliit na minahang pinasukan nito sa Benguet kahapon.
Kinilala ang biktima na si Albert Basilio, magsasaka at minero na naninirahan malapit sa lugar ng minahan.
Batay sa report kay Police Sr. Inspector James Acod, itinawag sa kanila ng mga kaanak ng biktima ang insidente kaya agad silang nagsagawa ng retrieval operation para makuha ang bangkay ng biktima sa higit 100 metrong lalim na butas sa bahagi ng Bgy. Camp 4.
Sinasabing nasa 17 ang oxygen level sa lugar kung saan nakuha ang bangkay ng biktima, malayo ito sa 20 sa normal level na kailangan ng tao para makahinga ng maayos.
Base sa imbestigasyon, posible umanong ang away sa kanyang pamilya ang nagtulak sa biktima para maglasing at pasukin ang tunnel na mababa ang oxygen level.





Comments