May kasong pagpatay | PUGANTENG HAPON, TIMBOG

HULI ang puganteng Japanese na pinaghahanap dahil sa kasong pagpatay, Biyernes ng umaga.
Natunton ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang suspek na si Kenichirou Kobayashi sa pinagtataguan nito sa Franco St., Bgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City.
Una nang nagkasa ng Oplan Pagtugis ang CIDG matapos makakuha ng impormasyon tungkol sa hideout ng dayuhan.
Alas-6:30 ng umaga nang matunton ang suspek na hindi na nakapalag sa pagdakip ng mga awtoridad.
Si Kobayashi ay sinasabing utak sa Kirby Tan Gun-for-Hire Group na responsable umano sa paglikida sa dalawang Japanese na sina Shinsuke Toba noong 2014 at Tatsuya Nakamura noong 2015.





Comments