top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Malinaw ayon sa birthday... BABAENG NAKATAKDANG MAKAPAGTRABAHO SA SINGAPORE

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 16, 2019
1 min read

Dear Maestro,

Dati na akong nag-a-abroad o naging OFW sa Saudi, ang kaso hindi ako pinalad na makatapos ng kontrata dahil masama ang ugali ng naging amo ko at madalas akong abusuhin.

Sa ngayon ay nag-a-apply ako sa Sin­ga­pore at nag-aayos na ng mga pa­peles.

Naisipan kong sumang­guni sa inyo dahil nais kong malaman kung susu­wer­tehin kaya akong matuloy sa Singapore? December 28, 1987 ang birthday ko.

Umaasa,

Ivory ng Alulod, Indang, Cavite

Dear Ivory,

Ayon sa birthday mong 28 o 1 (ang 28 ay 2+8=10/ 1+0=1) at destiny number mong 2 (12+28+1987= 2027/ 20+27=47/ 4+7=11/ 1+1=2) sa zodiac sign na Capricorn, wala ka talagang suwerte sa lugar na Middle East o Gitnang Silangan dahil wala ru’n ang iyong ma­gan­dang kapalaran.

Kaya, kung ngayon ay sa Singapore ka nag-a-apply, ito ay isang bansa na sakop ng Southeast Asia, hindi ma­tatapos ang 2019, tiyak na susuwertehin ka kung saan makapag-a-abroad at maka­aalis ka na.

Nangyaring ganu’n dahil tulad ng nasabi na, tama sa iyong birth date at zodiac sign ang lugar na iyong pu­puntahan at bukod sa Sin­gapore, ikaw din ay higit na ma­giging mapalad kung ikaw ay mag-a-abroad sa Europe, Canada o sa itaas na bahagi ng mundo. Sa nasa­bing mga bansa ay susu­wer­tehin ka at magkakaroon ng masaganang kapalaran.

Habang, ayon sa iyong Travel Calendar, Ivory, nga­yong 2019, sa edad mong 30 pataas, may mabunga at ma­biyayang pangingibang-ban­sang itatala sa iyong kapa­laran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page