top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kung maaaring mangolekta ang opisyales ng gobyerno sa paggamit ng mga pampublikong pasilidad

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 16, 2019
  • 2 min read

Dear Chief Acosta,

Magandang araw! Ako ay miyembro ng organisasyon ng mga magsasaka. Mayroong ibinigay sa amin ang gobyerno na imbakan ng aming pananim ngunit, ang mga opisyal nito ay naniningil sa amin ng bayad kapag kami ay nag-imbak dito. Nais kong malaman kung naaayon ba ito sa batas? —Marion

Dear Marion,

Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Section 13 ng Republic Act No. 7607 o “An Act Providing A Magna Carta Of Small Farmers”. Nakasaad dito na:

“Sec. 13. Postharvest Facilities/Services. — Every barangay which is predominantly agriculture-based shall be entitled to at least one (1) storage facility and a multipurpose pavement/plaza which can be used for various purposes including drying of agricultural produce.

xxx

xxx

xxx

The farmers’ organizations may collect reasonable fees for services rendered in connection with the use of such facilities; Provided, That the collections therefrom shall be used only for the maintenance, improvement and expansion of these facilities: Provided, further, That an amount representing rental fees for the land shall be remitted to the barangay, where applicable.” (Binigyang diin)

Sang-ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, maaaring mangolekta ang mga organisasyon ng bayad para sa serbisyo sa paggamit ng mga pasilidad nito sa kondisyon na ang mga bayad na ito ay gagamitin lamang sa pagpapanatili at pagpapabuti sa nasabing pasilidad.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page