Guilty sa pangungurakot | RONNIE RICKETTS, KULONG

IPINAARESTO na ng Sandiganbayan si dating Optical Media Board (OMB) Chairman Ronnie Ricketts matapos mapang guilty sa kasong katiwalian.
Nahaharap si Ricketts sa parusang pagkakapiit ng anim hanggang walong taon.
Hindi na rin siya papayagang maupo sa anumang posisyon sa gobyerno.
May kinalaman ang kaso sa umano’y maanomalyang pangangasiwa ng nasamsam na tone-toneladang DVD at VCD mula sa Sky High Marketing Corporation noong Mayo 27, 2010.
Inakusahan si Ricketts at ang tatlo pang opisyal ng OMB sa pagpayag na mailabas ang mga kumpiskadong video disk makaraan lamang ng ilang oras mula nang samsamin ang mga ito at hindi rin kinasuhan ang nabanggit na kumpanya.
Naghain ng piyansa si Ricketts noong 2015 at nagpasok ng not guilty plea sa kaso.
Pinayagan pang makabiyahe si Ricketts matapos maghain ng P90,000 travel bond.





Comments