top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Ganu'n daw siya magmahal, Gerald… BEA, MAS INUUNA ANG KALIGAYAHAN NG LALAKI

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 16, 2019
1 min read

Sa interbyu ni Boy Abunda kina Ms. Charo Santos at Bea Alonzo, naging honest ang dalawang big stars who are both starring in a horror film titled Eerie.

Sa tanong kung sino ang kani-kanilang childhood crushes, nilaru-laro muna ni Ma’m Charo ang kanyang buhok, tapos natatawang binanggit ang pangalan ni Tirso Cruz III at inaming fan talaga siya ng Guy and Pip.

Tahasan namang inamin ni Bea ang laki ng paghanga niya kay Jericho Rosales nu’ng kasagsagan ng Pangako sa ‘Yo.

Nai-imagine pa nga niya noon na ma­tagpuan ang isang lalaking tulad ni Jericho na titingin sa kanya tulad ng pagtitig nito kay Kristine Hermosa. Si Echo raw ang isa sa mga dahilan kung bakit nagpursige siyang pasukin ang showbiz.

Nate-turn-on daw si Bea sa isang lala­king responsable sa buhay. Sa kabilang dako, type naman ni Ma’m Charo ang isang lalaking mabango.

Sabi naman ni Bea, ‘di kailangan ng isang guy na patunayan na lalaki nga siya. Charo shared that she is an independent woman who does not need to depend on a man in terms of money.

Ayon kay Ma’m Charo, love makes the world go round. At ayon naman kay Bea, ang love ay putting someone else’s happiness first bago ang sarili.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page