Dehins lang pisikal ang dapat nating bigyan ng pansin, besh! 5 THINGS PARA MAGING MENTALLY HEALTHY,
- Jersey Sanchez
- Mar 16, 2019
- 2 min read

SA panahon ngayon, marami na ang pinipiling mag-work from home o mag-freelance dahil sa mga advantage nito sa kanila. Kabilang dito ang flexible na oras, gayundin na nakaiiwas sila sa hassle ng araw-araw na pagko-commute. Bagama’t, masarap makaranas ng mga ganu’ng benepisyo, knows ba ninyo kung paano pangalagaan ang mental health? Kung hindi pa, narito ang mga bagay para maging mentally healthy:
1. TRY TO WORK A SET NUMBER OF HOURS EACH DAY. Dahil wala nang ibang namamahala ng oras mo, hindi mo napapansin na mas maraming oras ang iyong inilalaan sa pagwo-work from home kumpara sa regular na trabaho. Dahil dito, nahihirapang balansehin ng indibidwal ang kanyang trabaho at personal na buhay. Upang maiwasan ito, maglaan ng partikular na oras ng pagtatrabaho nang sa gayun ay may oras pa rin para magpahinga.
2. SET CLEAR BOUNDARIES WITH CLIENTS AND YOURSELF. For sure, mayroong expectations ang bawat kliyente dahil nagtiwala siya sa iyo. Gayundin, obligasyon mong mag-set ng boundaries sa pamamagitan ng pagiging consistent sa iyong mga sinasabi at ginagawa. Sa ganitong paraan, malalaman ng kliyente kung ano ang dapat niyang i-expect mula sa iyo. Halimbawa nito ang hindi pagsagot ng mga tawag o email paglagpas ng oras na inilaan mo sa trabaho nang sa gayun ay magkaroon ka pa rin ng oras sa sarili mo.
3. LEARN TO SAY “NO”. Siguradong magandang magkaroon ng maraming projects dahil ‘ika nga nila, more project, more income. Pero, upang maiwasan ang stress sa pagbabalanse ng oras sa mga project, mabuting pag-aralan muna kung kakayanin ng iyong schedule ang paggawa ng maraming project. Kung hindi mo kaya, say “no”, besh. Mas mabuti nang malungkot ang kliyente mo dahil naging honest ka kaysa ma-disappoint siya dahil hindi mo na-meet ang expectations niya. Copy?
4. SCHEDULE 5-MINUTE BREAKS. Hindi porket ibang klase ang trabahong mayroon ka, eh, magbe-break ka lang kung sobrang stressed ka na. Dahil mayroon kang inilaan na oras para magtrabaho, mabuting mag-schedule ka rin ng kaunting oras para mag-break. Sa ganitong paraan, hindi maiipon ang iyong stress at mare-refresh ang iyong isipan.
5. FIND A ‘WORK STATION’ IN YOUR HOME. Kung keri naman, mabuting magkaroon ng ‘work station’ sa iyong bahay na medyo malayo sa iyong kuwarto o personal space. Ayon sa mga eksperto, ang paggawa ng trabaho sa lugar na malayo sa personal space mo ay nakatutulong upang magkaroon ka ng work-life balance.
Ayan mga lodi, always remember na kahit nagtatrabaho ka, dapat priority mo pa rin ang kalusugan kabilang ang mental health. Oks lang kung hindi lahat ng oras ay iginugugol mo sa pagtatrabaho, magsaya ka rin, paminsan-minsan.
Copy?





Comments