40,000 nadale sa dengue

UMAKYAT na sa mahigit 40 libong kaso ng dengue ang naitala ng Department of Health (DOH) sa unang tatlong buwan ng taong ito.
Sa pinakahuling datos ng DOH, nasa 40,614 dengue cases na ang kanilang naitala sa bansa mula Enero 1 hanggang Marso 2.
Mas mataas ito ng 68% o 16,383 kaso kumpara sa naitalang 24,231 dengue cases noong kahalintulad na petsa ng nakaraang taon.
Hinikayat naman ng DOH ang publiko na gamitin ang kanilang isinusulong na 4S Strategy kontra dengue.
Ang 4S ay ang ‘searching and destroying mosquito breeding places’; ‘securing self-protection measures’ tulad ng pagsusuot ng pantalon at pajama at long sleeved shirts, gayundin ang paggamit ng mosquito repellent at kulambo sa pagtulog; ‘seeking early consultation’ o maagang pagkonsulta sa doktor at ‘support fogging and spraying in hotspot areas’.
Ipinaliwanag ng DOH na sa ngayon ay wala pa ring espesipikong lunas sa dengue ngunit, maaaring maiwasan ang pagkamatay dahil sa sakit sa pamamagitan ng early detection at access sa medical care.





Comments