2 mosque, niratrat 49 patay, 48 grabe
PATAY ang 49 katao habang 48 ang nasugatan matapos ang insidente ng pamamaril sa dalawang mosque sa Christchurch City, New Zealand.
Ayon sa mga awtoridad, narekober ang iba’t ibang improvised explosive devices sa van na ginamit ng mga suspek.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulisya ang apat na suspek kung saan tatlo rito ay lalaki at isang babae.
Gayundin, nakasuot ng body cam ang isa sa mga suspek kung saan nakuhanan nito ang aktuwal na pagpatay sa mga biktima.
Ayon sa isang saksi, bilang pumasok ang mga suspek sa mosque saka nagpaulan ng bala sa mga sumasamba rito.
Tumagal umano ng 20 minuto ang ang pamamaril ng mga suspek.
Samantala, kinondena ni Prime Minister Jacinda Ardern ang insidente at tinawag itong ‘darkest day’ sa bansa.
Gayunman, pinayuhan ni Ardern ang mga residente at turista sa Christchurch na manatili sa loob ng tahanan at huwag munang lumabas kung hindi kinakailangan.





Comments