'Wag lang siyang mang-aagaw ng bituin… NEWCOMER, BAIT-BAITAN LANG, MAY ATTITUDE PALA, LAHAT NG C
Blind Item:
NAKAKALOKA ang nakarating na tsika sa amin tungkol sa isang ibini-build-up na talent ng network dahil bait-baitan lang pala.
Mabait ang role ng newcomer, but in real life, may attitude at ang napili pang pagsupladahan ay ang bida ng teleserye kung saan siya kasama.
Kapag dumarating sa set ng taping ang newcomer, binebeso nito lahat ang mga kasama sa teleserye, maliban sa bidang aktres. Napapansin ito ng cast, pero walang maglakas ng loob na tanungin ang newcomer kung bakit hindi binebeso ang bidang aktres ng kanilang show.
Clueless din ang aktres kung bakit hindi siya binebeso ng newcomer, pero hindi na rin nagtatanong at hinahayaan na lang ang pagmamaldita nito. Basta ba hindi naaapektuhan ang kanilang trabaho na in fairness, hindi naman apektado dahil napapaniwala nila ang mga viewers na okay silang dalawa.
Ang mas nakakaloka pa rito, magkapatid ang role ng bidang aktres at ng newcomer sa teleserye. On-cam lang sweet si newcomer sa bidang aktres, off-cam, dinededma nito ang bida.
Ano kaya ang rason ng newcomer sa pandededma sa bida ng teleserye? Sigurado namang may rason dahil kung walang dahilan at trip lang niya, dapat niyang malaman na hindi maganda ang kanyang ginagawa.





Comments