Pramis ni P-Digong | KASO NG PAGPATAY SA GRADE 9, TUTUTUKAN

TINIYAK na tututukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaso ng brutal na pagpatay sa Grade 9 student sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Mariin ding kinondena ni dating Special Assistant to the President Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang pagpatay kay Christine Lee Silawan, kasabay ng pahayag na susuportahan ang mga panawagang muling buhayin ang death penalty para sa mga karumal-dumal na krimen.
Giit pa nito, ang hindi makataong ginawa ng mga salarin kay Silawan ay isang paalala na kailangan na talagang ibalik ang parusang bitay.
Isa ang death penalty sa ipinangako ni Pangulong Duterte na ibabalik niya sa bansa noong panahong kumakandidato pa ito.
Matatandaang, natagpuan ang biktimang si Silawan, 16, sa isang bakanteng lote na patay, walang saplot pang-ibaba at ang mukha ay binalatan hanggang buto, habang nawawala rin ang ilang bahagi ng kanyang katawan.





Comments