PINOY FIGHTERS, SASABAK SA BRAVE 22 STORM OF WARRIORS
- BULGAR

- Mar 15, 2019
- 2 min read

Photo : Fb Brave 22 Storm of Warriors
ILALARGA ng Brave Combat Federation ang groundbreaking event sa Manila sa gaganaping Brave 22: Storm of Warriors ngayon ganap na 6:00 p.m. sa MOA Arena sa Pasay City.
Pinangangasiwaan ito ni His Highness Sheikh Khalid bin Hamad Al Khalifa ng Bahrain, tampok ang mga pamosong Pinoy fighters sa fight cards ng nangungunang MMA promotion sa Middle East.
Mismong ang Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang pakikipagpulong sa Bahrain prince ang tumiyak para sa matagumpay na pagsasagawa ng Brave na inaasahang magpapaangat sa husay at galing ng mga Pinoy MMA fighters.
Ang Brave sa bansa ay resulta nang pakikipag-ugnayan ni Mr. Alfonso Ver, Philippine Ambassador sa Bahrain, matapos personal na mapanood ang fight promotion.
Tampok na duwelo sa promosyon na mapapanod sa ESPN5 ang laban sa pagitan nina Filipino Bantamweight champion Stephen Loman kontra challenger Elias Boudegzdame.
Tulad ng inaasahan, umani ng papuri mula sa mga kababayan si Loman na isinagawang open workout/media presentation Miyerkoles ng gabi. Magpapakitang-gilas din sa harap ng Pinoy MMA fans sina Jeremy Pacatiw at karibal na si Marc Alcoba, gayundin ang dayuhan na sina Cian Cowley ng Ireland, New Zealand’s John Brewin at Pakistan’s Mehmosh Raza.
Ipinakilala rin ang isa pang kalahok na fighter na si Pinoy Rolando Dy. “I’ll be honest, I was always an average student, I got my college degree because I had to. I was an average basketball player and an awful dancer. Fighting is what I really know, it’s what I love. Being able to be here and representing my country, back to Brave, it’s amazing,” pahayag ni Dy, na haharap kontra sa mapanganib na si Mehmosh Raza sa Featherweight bout. Nangako naman si John Brewin na bibigyan ng magandang laban ang karibal na si Cian Cowley. (MC)





Comments