Pati Diyos, dinadamay sa politika, bad ‘yan

DIYOS, GINAGAMIT DAW NI P-DUTERTE PARA SA KANDIDATURA NG MGA ‘MANOK’ NIYA SA ELEKSIYON—Noong hindi pa panahon ng eleksiyon ay panay ang atake ni P-Duterte sa CBCP at sa Diyos, pero ngayon start na ang kampanya para sa mga kandidato sa pagka-senador, sabi ng pangulo sa proclamation rally ng PDP-Laban sa Isabela na naniniwala raw siya sa Diyos.
Hay naku, ginagamit na naman ni P-Duterte ang Diyos para iboto ng mga Katoliko ang mga kandidato niya sa PDP-Laban, buwisit!
◘◘◘
MATAAS NA PRESYO NG MGA BILIHIN, TAPOS WALA PANG TUBIG? — Nag-umpisa na ang water shortage sa Metro Manila at ilang karatig-lalawigan, ang sinisisi rito ng MWSS ay ang gobyerno dahil sa kawalan ng aksiyon para magtatag ng dam na makatutulong sa pagdaragdag ng supply ng tubig sa Kalakhang Maynila at mga probinsiya.
Anyare sa ‘Pinas? Mantakin ninyo, ang taas na ng presyo ng mga bilihin dahil sa TRAIN Law, tapos wala pang tubig? Hu-hu-hu!
◘◘◘
IPAGAGAWANG KALIWA DAM SA CHINA, KAKATAKOT ‘YAN! —Ang naisip na solusyon ng Duterte gov’t. sa nararanasang water shortage ay ipagawa sa China ang Kaliwa Dam sa Quezon Province.
Nakupo, bakit sa dinami-rami ng mga bansang puwedeng kuning kontratista ng Pilipinas para magtayo ng dam, eh, China pa ang napili ng Duterte gov’t.?
Nakababahala ‘yan kasi baka ang gagawing Kaliwa Dam ng China ay matulad sa Banqiao Dam sa China na gumuho noong 1975 na nagdulot upang masawi sa pagkalunod ang higit 230,000 Chinese, ‘kakatakot!
◘◘◘
‘RAKET’ NI ‘BALISI’ SA HARAP NG TUGUEGARAO CITY POLICE STATION — Ang raket na “dice” raw ni “Balisi” ay halos nasa tapat lang daw ng Tuguegarao City Police Station sa Cagayan.
Ganu’n? Aba, “nganga” lang pala sa kanilang posisyon sina PNP-Region 2 Director, Gen. Jose Mario Espino, PNP-Region 2-Intelligence Chief Col. Ariel Quilang at Cagayan PNP Director, Col. Ignacio Cumicad kasi may nanraraket na sa harap ng police station sa kanilang nasasakupan, eh, wala silang kaalam-alam, mga buwisit!





Comments