Pambansang Bae, sablay ang japorms… ALDEN, MUKHANG TITO NI KATHRYN
- BULGAR

- Mar 15, 2019
- 1 min read

DAPAT ay “new look” na raw si Alden Richards kapag nagsimula na siyang mag-shooting ng pelikulang pagtatambalan nila ni Kathryn Bernardo.
Kailangan niya ng stylist na magbibihis sa kanya upang bumata ang kanyang hitsura.
Medyo may pagka-old fashion kasi ang Pambansang Bae at mahilig din itong mag-gel na hindi na raw uso ngayon sa mga bagets.
Kailangan ni Alden ng bagong hairstyle upang bumagay siya sa kanyang kapareha sa movie. Baka magmukha siyang tito o kuya ni Kathryn kung hindi mag-a-adjust si Alden sa “look” ng bago niyang leading lady.
Hindi naman kailangang umastang bagets na pa-japorms si Alden. OFW ang role nila ni Kathryn sa movie na isu-shoot nila sa Hong Kong.
For sure, with Direk Cathy Garcia-Molina’s guidance, sakto lang sa edad ni Alden ang image na gusto niyang makita sa Kapuso actor.
Mapapaiba rin ang timplang gagawin ni Direk Cathy sa Kathryn-Alden movie kumpara sa formula niya sa KathNiel movie.
Let’s see kung ano’ng “magic” ang gagawin ni Direk Cathy.





Comments