Malinaw ayon sa palad... BINATANG NAKATAKDANG MA-REGULAR SA PANGINGIBANG-BANSA
- BULGAR

- Mar 15, 2019
- 2 min read

KATANUNGAN
Bakit ganu’n, Maestro, hindi ako nagkakaroon ng regular na trabaho?
Ngayong taon ay magkaroon na kaya ako ng regular at permanenteng trabaho?
HRM ang natapos ko, pero balak kong sumakay sa barko kaya ngayon ay nagte-training ako. Saan ba maganda, sa barko o sa local na work na lang?
Sa isip-isip ko kasi kahit saan at kahit ano, papasukin ko, basta ma-regular lang ako dahil sawang-sawa na talaga ako sa palipat-lipat na trabaho.
KASAGUTAN
Tama ang naisip mo na mag-training sa pagbabarko kahit HRM ang natapos mong kurso dahil may malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, kung hindi ka nakukuntento sa kasalukuyang buhay at career mo rito sa ating bansa dahil wala ka ngang masumpungang regular at magandang trabaho, tama na magbarko ka na lang habang puwedeng-puwede naman ang course mo basta makapag-training ka lang at makasunod sa requirements.
Tamang-tama ang taong ito para masimulan mo nang mag-apply at makumpleto ang iyong mga papeles, kapag nagawa mo ‘yan, makikita mo at mare-realize na kaya pala hindi ka nare-regular sa trabaho sa ating bansa ay dahil nasa pagbabarko ang iyong suwerte na madali namang kinumpirma at pinatunayan ng lagda mong may mga alun-alon, pero patuloy na sumusulong at umaangat. Tanda na sa pangingibang-bansa na may kaugnayan sa tubig at laot ng dagat, mas higit na uunlad at aaseno, hindi lang ang iyong career kundi pati na rin ang kabuhayan ng itatayo mong pamilya.
DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa iyong mga datos, Gemini, ituloy mo lang ang binabalak mong pagte-training at pag-a-apply sa barko, tiyak ang magaganap, kung hindi ka pinapalad na magkaroon ng magandang trabaho sa mga local company na naa-apply-an mo, tiyak ang magaganap, sa pagse-seaman ngayong 2019, sa buwan ng Agosto, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.




Comments