Kelot, nakitoma tinodas
- Levi Gonzales
- Mar 15, 2019
- 1 min read

ISANG saksak sa kaliwang dibdib ang ikinamatay ng vendor matapos umanong makihalo sa inuman sa Bgy. Talaan, Pantoc, Sariaya, Quezon.
Alas-8:30 ng gabi, magkakasamang nag-iinuman ang suspek na si Jemon Gollena, 20, construction worker, kasama ang kanyang katrabaho nang dumating ang biktimang si Gilbert Babat, 23, residente ng Bgy. Ibas, Tayabas City, Quezon.
Makalipas ang ilang oras, nagtalo ang dalawa hanggang sa mauwi sa pananaksak sa biktima.
Dali-dali itong isinugod sa pagamutan ngunit, idineklarang dead-on-arrival.
Patuloy naman ang pagtugis sa suspek.





Comments