HAWKS, DINAGIT ANG GRIZZLIES THOMPSON, NAG-SORRY SA FANS


IPINAGPATULOY ng Atlanta Hawks ang mainit na laro sa opensa kung saan may pinagsamang 69 puntos sina John Collins, Trae Young at Alex Len para sa 132-111 na panalo kontra bisitang Memphis Grizzlies.
Hawks bilang NBA’s top offensive team mula noong All-Star Game ay may average na 122.5 points at nasa tuktok ng 120-point mark sa ika-7 beses sa nakaraang 11 laro. Nakapagwagi ang Atlanta ng dalawang diretso. Tumapos si Collins na may 27 puntos at sumunggab ng 12 rebounds para sa ika-28 double-double ngayong season. Umiskor si Young ng 22 puntos at may 8 rebounds. Dumagdag si Len ng 20 puntos at 8 rebounds.
Samantala, humingi ng tawad si Golden State Warriors guard Klay Thompson sa kanilang fans kahapon bilang reigning NBA champions matapos na ireklamo ang supporters na parang mga walang kalatuy-latoy at malalamya nang matalo sila sa sariling balwarte kontra Phoenix.
Sa 115-111 na pagkatalo noong Linggo sa Oakland, lagpak ang Warriors sa 24-10 ngayong season sa Oracle Arena sa kanilang final campaign sa naturang venue bago maglaro sa bagong San Franciso Arena sa Setyembre. “I expect our crowd to be little more into it,” saad ni Thompson matapos ang pagkatalo.
“I know it’s not the playoffs, but it is our last go-around at Oracle. Least you can stand up or something when we make a good play, especially in the beginning. We need that energy, especially this time of the year. It’s hard to conjure up energy every single night ‘cause you’re looking forward to the playoffs.”
Ang mga nasagap niyang pintas mula sa fans bilang 3-point sharpshooter ay naibaling niya sa Twitter upang maibsan ang bigat ng naramdaman niya.
“I love DubNation. We have the greatest fan base in sports,” saad ni Thompson sa tweet. “We feed greatly off their energy in Oracle and I meant no disrespect.” Una ang Warriors (45-21) sa Denver sa isang laro sa ibabaw ng Western Conference at pakay nila ang ika-5 sunod na pagsampa sa NBA Finals at ikaapat na korona sa limang seasons. (MC/ATD) (VA)





Comments