AlDub at KathNiel fans, kalma lang daw… ALDEN, UMAMING WALANG BALAK PATUSIN SI KATHRYN
- BULGAR

- Mar 15, 2019
- 1 min read

SA story conference ng pelikulang pagtatambalan nila ni Kathryn Bernardo ay nanawagan sa kanyang mga fans si Pambansang Bae Alden Richards na huwag magtampo ang mga ito.
“Tanggapin po sana ninyo ang tambalan namin ni Kathryn na trabaho lang… walang personalan,” ani Tisoy.
Kunsabagay, wala nang dapat ipag-alala ang handsomest Kapuso male star dahil nauna na si Maine Mendoza sa pag-aming sila na ni Arjo Atayde.
Sa GMA Artists Center kontratado si Alden. Puwede ring gumawa si Menggay sa ibang outfit kapareha ni Alden kung papayagan siya ng APT where she is under contract.
Ang pagtatambal muli ng AlDub ay maaaring mangyari kung ang movie ay produced ng APT at GMA Films. Klaro ‘yan, ha?





Comments