Pusher tepok sa shootout
Pabs Hernandez III
Mar 14, 2019
1 min read
NUEVA ECIJA—Isang drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. San Ricardo, Talavera sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Gilbert Mamaed, residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa drug-bust operation si Mamaed, pero bigla nitong pinagbabaril ang mga awtoridad.
Kaagad namang gumanti ng putok ang pulisya na nagresulta para mapatay ang suspek.





Comments