top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pangulo ng PWD association, kulong | 4 ESTUDYANTE PINAG-DRUGS, INABUSO

  • Gina Pleñago
  • Mar 14, 2019
  • 1 min read

NAHAHARAP sa kasong sexual abuse ang pangulo ng asosasyon ng persons with disability (PWD) nang ireklamo sa Parañaque City Police ng apat na binatilyo na pawang mga Grade 8 at Grade 9 student makaraang utusan umano silang bumili ng droga at ipagamit sa kanila at abusuhin sila umano ng suspek nitong Lunes sa Parañaque City.

Nakakulong na sa Parañaque City Police detention facility at nahaharap sa kasong sexual abuse ang suspek na si Nelson Balmores, 31, pangulo ng PWD Association ng Gk El Dorado Dulo, Bgy. Don Bosco.

Pawang nasa mga edad 15, 14 at 18 ang mga biktima.

Sa report na nakarating sa hepe ng Parañaque City Police na si Sr. Supt. Jojo Rosales, naganap ang insidente noong Lunes.

Ayon sa mga biktima, inutusan umano silang apat ng suspek na bumili ng droga at pinagamit sa kanila.

Pagkatapos ay pinaglaruan umano ng suspek ang kanilang ari at pinagbantaan na papatayin kapag nagsumbong sa kanilang mga magulang.

Halos ma-trauma ang mga biktima at agad ipinagbigay-alam sa kanilang mga magulang ang insidente.

Sa follow-up operation ng mga kagawad ng Parañaque City Police, inaresto nila ang suspek na si Balmores.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page