Pagkatapos ng trahedya sa Ethiopian Airlines | PAGGAMIT NG BOEING 737 MAX, STOP MUNA
ILANG airlines ang pansamantalang nagsuspinde ng pagpapalipad ng mga eroplanong may modelong Boeing 737 Max.
Ito ay kasunod ng pagbagsak ng eroplano na may parehong model kung saan 157 katao ang nasawi.
Gayunman, pansamantalang grounded sa paggamit ng Boeing 737 ang Ethiopian Airlines, Singapore, SilkAir, Indonesia, United Kingdom, Aeromexico, Aerolineas Argentinas, Cayman Airways at Comair Airways.
Samantala, walang balak magkansela ng biyahe ang American Airlines, Southwest Airlines at Norwegian Airlines.
Aabot umanot sa 80 kumpanya ang gumagamit ng naturang model ng eroplano, ngunit, mahigit 5,000 orders nito ang hindi pa umano naide-deliver.





Comments