top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pagbabasbas sa patay libre na, buti naman

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 14, 2019
2 min read

NILINAW ng water concessionaires na hindi puwedeng inumin ang tubig mula sa firetrucks.

Eh, kahit ‘yung tubig nila mula sa pipe hindi naman puwedeng inumin!

◘◘◘

ANG mga taga-Metro Manila ay bumibili ng mineral water para ang mainom ay malinis na tubig.

Wala silang tiwala sa tubig mula sa water concessionaires!

◘◘◘

Isasarado raw ang mga Immigration office ng U.S. sa ilang bansa kasama ang Pilipinas.

Weh, 'di nga?

◘◘◘

HANGGANG Agosto pa raw ang krisis sa tubig.

Paktay kang bata ka!

◘◘◘

INALIS na ng Bishop sa Bataan ang bayad sa pagbabasbas sa mga patay na ililibing.

Bakit?

Kasi ‘yung benepisaryo ay “patay na”, paano makababayad ang dedo?

◘◘◘

PERO ‘yung singil sa binyag ay may bayad pa rin.

Kasi ang mga ninong at ninang ang nagbabayad!

◘◘◘

PUWEDE kayang mag-suggest.

Imbes na ang mga binibinyagan ang may “ninong at ninang”, hindi ba dapat ‘yung mga ililibing na bangkay ay mayroon ding “ninong at ninang”?

Para sila ang “major sponsors” sa paglilibing!

◘◘◘

AYON kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson, palsipikado raw ang 2019 National Budget na isinumite sa Malacañang.

Ang mga mambabatas mismo ang lumalabag sa batas.

Ha-ha-ha!

◘◘◘

BABAGSAK daw ang eko­no­miya kapag ipinatupad ang reenacted budget.

Warning ‘yan ng mga nagla­laway sa pork barrel!

◘◘◘

BAKIT kaya nagdeklara si P-Digong ng ‘war on corruption’?

Kasi mauubos ang kanyang mga amuyong!

◘◘◘

AYON sa Comelec, tapos nang maimprenta ang 28 milyon balota.

Pwes, puwede nang “mag-canvassing” ang Smartmatic, next week?

◘◘◘

PUWEDE raw magmula ang tubig sa Metro Manila mula sa deepwells.

Siyempre!

◘◘◘

YUMAO si Bangsamoro Transition Head Ghazali Jaafar sa edad 75.

At least, nakita niya ang pagsasalong ng armas sa Min­danao.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page