Natutulog, hindi nakauniporme, absent | 7 PULIS, SIBAK!

AGAD ni-relieved ang pitong pulis matapos maaktuhang natutulog, hindi nakauniporme at mayroon namang absent sa isinagawang surprise inspection sa kanilang mga istasyon kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni Police Senior Supt. William Segun, Cavite Provincial Director ang mga pulis na sina PO2 Marife Flores, WCPD na absent ng nasabing inspection ng Kawit MPS; SPO1 Miguel Aquintey, PCP Commander, nahuling tulog sa oras ng duty; PO1 Mark Capili, hindi naka-uniform sa duty; PO1 Lubigan, duty PNCO, absent sa oras ng duty, pawang mga pulis ng Gentri CPS; PO1 David, desk officer; PO2 Ahvegail Darang, duty investigator; PO1 Mary Grace Teves, duty SDO, pawang mga tulog sa presinto sa oras ng duty, mga pulis ng Rosario MPS.
Sa nakalap na report mula kay Col Segun, isang surprise inspection ang kanyang isinagawa sa bawat istasyon ng kapulisan sa lalawigang ito ganap na alas-2:00 ng madaling-araw.





Comments