Kelot tinodas sa lamayan

BUMULAGTA matapos barilin sa ulo at katawan ang hindi pa nakilalang lalaki habang nag-uusyoso sa mga nagsusugal sa lamayan sa Quezon City.
Ayon kay Police Lieutenant Roldan Dapat, wala pang pagkakakilanlan ang biktima na nasa edad 25 hanggang 30.
Batay sa paunang imbestigasyon ni PO1 Julius Vinasoy, nangyari ang pamamaril alas-9:45 ng Martes ng gabi sa Bgy. Batasan Hills.
Sa salaysay ni Marife dela Cruz, purok-leader, papaalis na umano siya sa kanilang bahay para mag-duty nang makarinig siya ng sunud-sunod na putok ng baril.
Agad umano siyang lumabas at nakita niya ang duguan at nakabulagtang biktima.
Sinabi ng imbestigador na tila galit na galit ang hindi pa nakikilalang suspek sa biktima dahil matapos pagbabarilin sa katawan ay tinarget pa ito sa ulo upang masigurong patay ang kanyang pakay na itumba.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa naganap na pamamaslang upang makilala ang suspek sa pamamaril.





Comments