Kaya make sure na kapag nagugutom kayo, eh, gagawin ninyo ito… PANG-AMOY, NAKATUTULONG UPANG MABAWAS


TUWING nagke-crave tayo, hindi tayo titigil hangga’t hindi natin nakakain ‘yung mga gusto natin, lalo na ‘yung talagang paborito at hinahanap-hanap ng panlasa natin. Kung minsan, ito pa ang nagiging dahilan para mag-over eat at gumastos tayo. Aminin! Ha-ha-ha! Pero, knows ba ninyo na keri natin itong maiwasan dahil ayon sa pag-aaral, ang pag-amoy sa pagkaing hinahanap natin ay nakatutulong para mabawasan ang pagke-crave natin dito? Weh, ‘di nga?
Base sa pag-aaral mula sa University of South Florida na nai-published sa Journal of Marketing Research, ang pag-amoy ng indibidwal sa pagkaing kine-crave niya sa loob ng dalawang minuto ay nakapagpapawala ng cravings.
Ayon sa mga reseacher, naiiwasan ang pagkain nito, partikular ang mga processed at matatabang pagkain, maiiwasan din ang excess fats, gayundin ang pagiging overweight.
Gayunman, ayon kay Dipayan Biswaas, direktor ng nasabing pag-aaral, ang pag-amoy sa unhealthy snack sa loob ng mahabang oras ay nakababawas ng appetite o gana sa pagkain.
Dagdag pa rito, ang oflactory (amoy) at gustatory (lasa) systems ay ‘strongly interconnected’ at ang reward centers sa utak ay hindi nakakikita ng pagkakaiba ng stimuli na na-encode sa utak gamit ang ibang sensory system.
Upang isagawa ang pag-aaral, hinati sa dalawang grupo ang mga kalahok kung saan ang unang grupo ay naglaan lamang ng 30 segundo ng pag-amoy habang ang ikalawang grupo ay naglaan ng dalawang minuto.
Kasunod nito, nag-install ang mga researcher ng fragrance vaporizer sa kuwarto na magpapalit-palit ng amoy ng unhealthy at healthy snacks habang isinasagawa ang naturang pag-aaral.
Pagkatapos nito, ang mga kalahok ay nag-assess kung paano nakaaapekto ang mga amoy sa kanilang appetite o cravings.
Samantala, lumabas sa pag-aaral na ang mga kalahok na nakaamoy ng unhealthy food tulad ng pizza o cookies mula sa unang grupo ay nagkaroon ng mas magandang appetite kumpara sa mga kalahok na nakaamoy nito sa loob ng dalawang minuto.
Napag-alaman din na ang mga kalahok mula sa ikalawang grupo ay mas piniling kumain ng masusustansiyang snacks tulad ng apple at strawberry.
Dahil dito, inirerekomenda ng pag-aaral na kung nagke-crave ang indibidwal sa unhealthy snacks tulad ng processed food, huwag agad kumain nito, bagkus, magrelaks muna sa loob ng ilang minuto hanggang sa tuluyang mawala ang cravings.
Oh, ayan, mga bro at sis, keri naman palang maiwasan ang pagke-crave sa mga hindi masusustansiyang pagkain. Kaya sa mga hirap magkontrol diyan, try n’yo na ito!
For sure, hindi lang ang kalusugan ninyo ang inyong maisasalba kundi pati na rin ang bulsa ninyo. He-he-he! Have a healthy lifestyle! Okie?





Comments