top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kakulangan sa supply ng tubig, talupan!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 14, 2019
  • 1 min read

TUBIG! Kasabay ng mainit na panahon, mainit din ang ulo ng mga residenteng apektado sa kakulangan ng supply ng tubig.

Kaugnay nito, nais ng pamunuan ng Senado na maimbestigahan ang sitwasyon, partikular na sa Metro Manila.

Dapat malaman kung ano ang problema at kung sino ang dapat managot sa kakapusang ito.

Hindi tama na hanggang reklamo lang ang publiko at maghintay ng rasyon o kung kailan magkakatubig sa gripo.

Alamin din natin kung may pananagutan ang mga water regulator sa kanilang mga kostumer.

Kaya inatasan na ang concerned committee na magsagawa ng imbestigasyon.

Hindi na rin katatanggap-tanggap na isinisisi sa El Niño ang water shortage dahil taun-taon naman natin itong nararanasan kaya dapat napaghahandaan na.

At habang inaalam ang ugat ng problema at pinag-iisipan ang ma­tagalang solusyon, dapat lang na may aksiyon ang mga supplier ng tubig tulad ng binabanggit nilang ‘water sharing’.

Samantala, posible umanong umabot hanggang sa Hunyo ang kakapusan ng suplay ng tubig dahil sa mababang water level sa La Mesa Dam.

Kaya tiis-tiis pa more at piliting huwag maapektuhan ng sobrang init at kakulangan ng tubig ang ating pasensiya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page