Kahit di na raw gumagana ang matris… PATUTSADA NI JAY KINA MAR AT KORINA: ANG SOSYONDA NA, NAGKAANAK
- BULGAR

- Mar 14, 2019
- 1 min read

IPINOST ng Rated K host na si Korina Sanchez sa kanyang Instagram account ang larawan ng kambal nila ni dating Sen. Mar Roxas na sina Pepe at Pilar noong March 11, kung saan may patama sila sa kanilang mga internet bashers.
Makikita sa post ni Korina ang hitsura ng kambal na parang inaantok na. Si Pepe ay halos nakapikit na, samantalang si Pilar naman ay naghihikab pa.
Caption ni Korina: “Sabi ko sa kids ko, ‘Hey, may mga pilit daw na nagne-negative tungkol sa atin.’ Sagot nila, ‘Oh, Mom, that’s soooo boring. Tulog na tayo.’”
Walang binanggit na pangalan ang TV host kung para kanino ang kanyang IG post, pero lumabas lamang ito matapos ang isang tweet mula kay Jay Sonza last March 10 na ganito ang sinasabi: “I didn’t know that even if you are past the retirement age and your wife is almost 60 with no functioning reproductive organs/facilities can still have babies thru IVF. Ganoon ba talaga iyon Mam/Sir (Is that how it really is Ma’am/Sir)?”
Nakisawsaw sa isyu si Leah Navarro at nag-tweet ito laban kay Jay Sonza.
Ani Leah, “As usual, you show your mean-spiritedness and ignorance, Jay Sonza.”
Dagdag pa niya, “Google is your friend, just type out this term: gestational surrogacy. The method is a blessing that benefited Mar and Korina with their beautiful twins. #HuwagKangTamad mag-research, ha (Don’t be lazy to research).”
Gestational surrogacy ang prosesong ginamit nina Mar at Korina para magkaroon sila ng baby.





Comments