top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HOTSHOTS, UMOBERTEYK SA DYIP SAN JUAN AT BULACAN PETMALU

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 14, 2019
2 min read

WALANG awang tinambakan ng Magnolia Hotshots ang Columbian Dyip, 109-83 kagabi sa 2019 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Nagtala si Ian Sangalang ng 16 points at anim na rebounds upang itarak ang 3-4 karta ng Hotshots at manatiling malakas ang tsansa na makapasok sa susunod na phase.

Malabo na silang makasampa sa top two teams pagkatapos ng 11-game elimination round subalit puwede silang makaiwas sa Nos. 8 at 7 spots.

Mabibiyayaan ng twice-to-beat advantage ang 1, 2 teams sa quarterfinals at makakaharap nila ang Nos. 8 at 7 ayon sa pagkakasunod. Nag-ambag din sina Mark Barocca, Rome Dela Rosa at Aldrech Ramos ng tig-14, 12, 10 puntos ayon sa pagkakahilera. Ipinakita ng Hotshots ang kanilang lakas sa simula pa lang ng laro, hinawakan nila ang 10-point lead, 22-12 sa first canto.

Nagpalitan ng puntos ang Columbian at Magnolia kaya nanatili ang bentahe sa Pambansang Manok Hotshots, 48-38 sa halftime.

Hindi nagpabaya ang Magnolia sa third quarter, lumubog ang kanilang lamang sa 18 puntos, 75-57 papasok ng fourth quarter.

Dahil sa laki ng lamang ng Magnolia sa payoff period, hindi na nakahabol ang Dyip at nalasap nila ang pang-anim na talo sa 10 laro.

Namuno sa opensa para sa Columbian si Rashawn McCarthy matapos magtala ng 19 pts. at tigatlong rebounds at assists.

Mga laro bukas: (Cuneta Astrodome)

4:30 p.m. - Alaska vs TNT

7:00 p.m. - Meralco vs Rain or Shine

Samantala, parehong nagwagi ang San Juan at Bulacan mula sa kani-kanilang mga katunggali Community Basketball Association (CBA) Founder’s Cup basketball tournament sa Malolos Sports and Convention Center Complex noong Marso 10. Itinodo na ng San Juan ang lakas kontra Quezon City, 88-85, habang pinalakas pa ng Bulacan ang tikas laban sa Novo Ecijano, 88-83. Tumapos si Jhonard Clarito ng 18 points, 11 rebounds at five assists habang si Joseph Marquez ay may dagdag na 17 points at 13 boards para sa Knights Exile, na nasungkit ang ika-4 na panalo sa limang laro. Si Clarito ang “Best Player of the Game.” (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page