HOROSCOPE | MARSO 14, 2019 (Huwebes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 14, 2019 (Huwebes): Huwag mong sayangin ang espesyal na prebilehiyo na kaloob sa iyo ng langit na nagsasabing kapag gusto mong yumaman, ikaw ay tiyak na yayaman.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Susuwerte-hin ka sa larangan ng negosyo kaya negosyo muna ang asikasuhin mo, ang iba pang bagay ay huwag mo munang pagkaabalahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-23-33-38-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mapapansin mo na ikaw ngayon ay palakuwento at ang gusto mo habang ikaw ay nagsasalita, ang mga nasa harap mo ay nakikinig lang. Senyales ito na ikaw ay masuwerte. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-14-18-26-28-40.
GEMINI (May 21- June 20) - Makipagsapalaran ka at ikaw ay mananalo. Kahit saang larangan ng buhay, kapag nakipagsapalaran ka, sobrang kaligayahan ang mapasasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-18-21-29-31-34.
CANCER (June 21- July 22) - Hawakan mo ang iyong sarili, lalo na ang iyong damdamin. Sobrang laki ng posibilidad na ang inilihim mo ay mabubunyag mo rin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-14-23-39-40-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magmadali ka, huwag mong sayangin ang mga araw ngayon para maging maganda ang iyong kita. Kaya hindi ka dapat makuntento sa bagay na nasa sa iyo na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-11-17-20-23-28.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makikitang kakaibang sigla ang mapasasaiyo. Ngayon mo na gawin ang mga bagay na hindi mo nagawa sa nagdaan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-14-26-32-33-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mamuhunan ka at hindi ka mabibigo. Kapag pagod ang pinuhunan mo ngayon, ang mga pinagpaguran mo ay mamumunga ng sobrang matatamis na bunga. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-25-27-30-31-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makipag-ugnayan ka sa taong nagbigay sa iyo ng aral. Ang magandang balita ay nagsasabing marami ka pang malalaman. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-20-28-33-36-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pansinin ang maiingay na walang ginawa kundi ang hanapan ka ng mali. Sasayangin mo lang ang panahon mo kapag sila ay binigyan mo ng importansiya. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-18-20-26-31-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ang maganda sa tingin mo, ‘yun ang piliin mo. Huwag kang makinig sa nagsasabing papangit ang buhay mo sa maganda. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-17-22-28-30-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iiwanan mo nang milya-milya ang humahabol sa iyo. Ito ay hindi lang sa larangan ng negosyo kundi maging sa buhay-pag-ibig mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-27-30-37-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mabilis kang lalakas at gagaling sa karamdaman kapag lumabas ka ng bahay at namasyal. Mas hihina ka kapag masyado kang matagal kung mamamalagi ka lang sa loob ng inyong bahay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-6-19-25-28-31.




Comments