top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bukod sa pag-eehersisyo, mga sis/bro! TIPS PARA MA-BOOST ANG IMMUNE SYSTEM

Jersey Sanchez
Mar 14, 2019
3 min read

No Problem

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nauubos ang mga beshy natin diyan na mayroong ubo at sipon. Marahil, ito ay dahil sa maruming hangin na nalalanghap natin sa araw-araw na pagbiyahe at sa ating mahi­nang immune system. Hu-hu-hu! Ayon sa mga eks­perto, hindi sapat ang pag-inom ng supplements upang luma­kas ang immune system. Kaya mga lodi, narito ang ilang bagay na puwede ninyong ga­win upang ma-boost ang inyong immune system:

1. LAUGHTER. ‘Ika nga nila, laughter is the best medicine. Ayon sa mga eksperto, isa ito sa mga trick na hindi alam ng karamihan kung saan nakabu-boost ito ng mood dahil nakapagpa­pataas ito ng antibodies sa dugo at nalalabanan ng white blood cells ang mga bacteria at virus sa katawan. Good vibes lang, oki?

2. SING. Ayon sa pag-aaral, ang pagkanta ay nakapag-a-activate ng spleen o lapay na nakatutulong upang tumaas ang blood concentration ng antibodies, gayundin sa pagbu-boost ng immune system. Kung hindi para sa iyo ang pagkanta, keri lang, basta sa banyo ka kakanta. Ha-ha-ha! Joke lang!

3. STAY AWAY FROM SUGAR. Hindi lang sa matatamis na pagkain kundi maging sa mga inumin din, lodi! Ang mga ito umano ay nakasisira sa pagpatay ng white blood cells sa mga bakterya sa immune system. Ayon sa mga eksperto, mas mabuting gumamit ng natural sweetener sa mga inumin nang sa gayun ay hindi nito maaapektuhan ang inyong immune system.

4. FISH. Ang mga mamantikang isda tulad ng sardinas, herring at mackerel ay mayroong protein kung saan ito ang nakatutulong sa mga cell upang ma-boost ang immune system. Gayundin, ang fatty acids o Omega-3s na nakapagre-regulate ng function ng ating immune system.

5. EAT MORE CITRUS. Ito ang pinakasikat na paraan upang mapalakas ang ating immune system. Kabilang dito ang orange, lemon, lime at grapefruit kung saan ang mga nabanggit na prutas ay mayroong Vitamin C. Ang bitaminang ito ay nabu-boost umano ng phagocytes o mga cell na naglala­bas ng bakterya sa ating katawan.

6. GET MOVING. Galaw-galaw para hindi pumanaw. He-he-he! Ayon sa mga eksperto, tuwing nagwo-workout, nagre-respond ang ating immune system sa pamamagitan ng pagpo-produce ng mas maraming blood cells na lumalaban sa mga bakterya. Alam n’yo na, ha?

7. GET SOME REST. Kung nag-workout ka, siyempre, kailangan mo ring magpahinga. Kung nag-workout ka sa loob ng 90 minuto, ayon sa mga eksper­to, ang produksyon ng germ-fighting cells na macropages ay bumababa, kaya tumata­as ang tsansa sa pagkakaroon ng impeksiyon, kaya maha­laga na makapagpahinga tayo. Copy?

8. EAT MORE ALMONDS. Ayon sa mga eksperto, ang pagkain ng 3 ounces ng almond kada araw ay epektibo umanong panla­ban sa impeksiyon, ngunit, huwag umanong tanggalin ang balat nito. Ito ay dahil napag-alaman ng mga eksperto na ang kemikal na mayroon ang balat ng almond ay nakai-improve ng kakaya­han ng white blood cells na maka-detect ng virus.

9. DON’T LET YOUR­SELF FREEZE. Ayon sa pag-aaral, mas mataas ang tsansa na magkaroon ng ubo at sipon ang indibidwal kapag exposed siya sa malamig na environment. Gayunman, nakababawas umano ito ng suplay ng white blood cells. Upang maiwasan ito, mabuting gumamit ng mga damit-panlamig tulad ng jacket, sweater at iba pa.

Wow! Ang dami pa palang puwedeng gawin para lumakas ang ating immune system. Basta mga lodi, make sure rin na kapag medyo tumagal na ang inyong ubo at sipon, magpapa-check-up kayo, ha?

Stay healthy! Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page