top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

BANDILA NG CALOOCAN, PINASUKO NG BATAAN, MANILA WAGI SA BULACAN

MC/Alvin Olivar
Mar 14, 2019
1 min read

IBINAGSAK ng Bataan ang bandila ng Caloocan sa bisa ng one sided game habang nanaig ang Manila sa Bulacan sa simula ng MPBL playoffs best-of-three quarterfinals series hatinggabi ng Martes.

Ginapi ng top seeded Risers ang Supremos, 91-71 sa sariling balwarte at isang panalo na lamang ang kailangan para makatuntong sa Final 4 seat sa pahirapang northern division ng torneo.

Nagtapos ang dalawang players ng double-double performance habang ang tatlo ay may dobleng pigura para sa Bataan, ang team na konti na lamang sa playoffs noong inaugural staging ng torneo pero ngayong season ay nasa tuktok ng eliminasyon.

Tumapos si Ryan Batino ng 14 puntos at 11 rebounds habang si veteran guard Pamboy Raymundo ay may 11 marka, 11 assists para sa Risers ni headcoach Jojo Lastimosa.

Nakagawa si Byron Villarias ng 18 points at pamunuan ang Bataan kasunod ni Gab Dagangon na may 15. May double-digit din si Russel Escoto sa 11 points. Kung madaliang nagwagi ang Bataan, ang Manila, ang fourth seeded team sa norte ay nahirapan din bago nagwagi kontra No.5 ranked Bulacan, 69-65.

Nag-double time ang The Stars sa defense at ang target ay mapigilan ang high scoring guard ng Kuya’s na sina James Martinez at Jeric Canada. Pareho silang scoreless sa mahigpit na depensa ng Stars, na isa na lang din ang dapat ipanalo para sa semifinal round ng northern division ng torneo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page