top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

5 yrs. old patay sa resort

  • V. Reyes
  • Mar 14, 2019
  • 1 min read

WALA ng buhay nang maiahon mula sa swimming pool ang 5-anyos na lalaki sa isang resort sa Quezon City.

Kinilala ni Police Lieutenant Roldan Dapat ang biktima na si Melvin Mirasol Mariano, Jr., daycare pupil, residente ng Project 8, Bahay Toro.

Ayon sa naantalang ulat sa QCPD, nangyari ang insidente alas-9:30 ng umaga sa swimming pool ng Dionicia’s Garden Breeze Resort sa Bgy. Tandang Sora.

Sa salaysay ng magpipinsang sina Johnnyerson de Vera Iremedio, Bea de Vera at Vince de Vera, maliligo sana sila ngunit, paglangoy nila ay nakita nila ang kasama nilang bata na palutang-lutang ang katawan sa swimming pool.

Mabilis na nilangoy at iniahon ni Iremedio ang biktima at agad namang isinagawa ng isang nakilalang Raymond Padua ang cardiopulmonary resuscitation subalit, nabigo itong ibalik ang buhay ng bata.

Isinugod sa ospital ang paslit ngunit, hindi na ito umabot nang buhay.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may nangyaring kapabayaan sa panig ng may-ari ng resort sa naganap na insidente dahil wala umanong nakatalagang lifeguard para mag-monitor at tumulong sa mga naliligo sa kanilang pinarerentahang swimming pool.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page